Ang Aking Kwentong Call Center

Posted: March 19, 2013 in Call Center, Kwentong Walang Kwenta

Young man have job interview.Noong grumaduate ako ng college, wala pa akong idea kung anong trabaho ang papasukin ko, it was year 2004 and BS in Computer Science ang course ko so I am expecting na maging computer programmer or systems analyst or IT ang magiging work ko. Alam ko na sa sarili ko na kailangan ko ng trabaho outside of Cavite para naman maexpose ako sa urbanidad kasi kung babalik ako ng EPZA (Express Processing Zone Authority) ay siguradong magiging operator lang ako ng machine at di magiging related and trabaho ko sa pinag-aralan ko. Yung mga ilang araw ng job hunting ko it was a struggle kasi una wala akong alam sa Manila, sumasama lang ako sa kaklase ko nung college sa mga ina-applyan nila. Ang job description na pinag-aaplyan namin syemre related sa computers but mahirap kasi puro lakad dito lakad dun tapos di pa namin alam kung saan hahanapin yung building kasi nga mga bagong salta sa Maynila. Most of the companies na na-applyan namin mukhang sablay ako sa interview hahaha di ko alam pero parang ang purol ng utak ko sa mga tanong nila… after a few days naisip ko need ko nang mag-step up at mag-hanap ng trabaho na ako lang mag-isa kasi kung aasa ako sa pag-sama sama mukhang walang mangyayari.

Ang Panel Interview

May alam naman na ako sa mga lugar sa Maynila kasi medyo gala din naman ako kahit papaano pero syempre yung mga malalapit lang sa MRT or LRT kasi accessible. Tamang tama yung ads na nakita ko fliers may job fair sa Megamall noon so try kong lumuwas ulit (yes from Cavite to Manila) para magbakasali na mahire ako this time. So I went to Megamall and tried my luck there mukhang nganga din kasi ang daming applicant. So tyaga tyaga and then after ilang pasa ng resume sa ilang companys super intay so nainip ako naisipan kong kumain muna. Sa EDSA central ako kumain kasi malapit lang sa Megamall tsaka dun ako bumaba from MRT at may napansin akong post for work. Customer Service Representativ and Technical Support Representatives ang post na nakalagay. Call Center. Now wala pa akong idea kung anong ginagawa sa isang call center pero since curious ako at mukhang malaki ang offer nila sa mga nahire nila go na!

Teleperformance yung name ng company… they are promising 1 day processing so naisip ko why not coconut. Pagpasok ko sa loob medyo intimidating kasi EOP (English Only Policy). Well ok naman ang english spokening dollar ko in all fairness pero syempre di parin perpek. Binigay ko resume ko, syempre kinausap ko yung nasa front desk “Hi, I am applying for the TSR position!”, sumagot naman siya ng “ok, kindly fill-up the form and then leave it here and wait for your name to be called”. Naupo muna ako saglit at nag-observe ng mga kasabay ko… mga naka semi-formal attire yung iba mukhang matatalino talaga at magagaling mag-English. Di ako prepared nung araw na yun para sa interview about call center kasi biglaan lang pero confident naman ako sa English ko kasi isa yung sa best skills ko nung college pa ako. After a few minutes tinawag na yung pangalan namin. Pumasok kami sa isang kwarto, siguro mga 10 kami sa loob at isang interviewer… kinakabahan ako kasi nga di ako prepared. Nagsimulang magtanong yung interviewer, mga basic questions lang like “can you tell me something about yourself”, “what do you do during your free time”, “what are your hobbies”, mga questions lang na mag-gauge ng communication skills at fluency sa English. Hinding hindi ko malilimutan yung isa kong kasabay na mainterview, babae tapos medyo matigas yung dila halatang probinsiyana. Ang tinanong sa kanya… “What is your favorite movie?”. Sumagot siya “The Italian Job”. Alam ko yung movie na yun kasi may kopya ako ng ganung movie eh at gusto ko yung story it’s about a group of thieves and they planned the perfect heist sa isang banko or something. Nag follow up question yung interviewer “And what is the story all about?” Natigilan yung babae…. nag-isip siguro mga 30 seconds… tapos nagsalita na… “The Italian Job is actually a movie… the story is about a JOB in… ITALY….. (and then long pause)….. that’s it!”. Gusto ko tumawa ng malakas pero syempre rude ko naman kung hahagalpak ako ng tawa dun sa interview room. After mainterview we are given a small piece of paper telling the applicant if nakapasa or hindi, luckily I passed and all other procedures like typing proficiency test at final interview. In the end, I finally got the job and I am so happy to sign the contract kasi naman P15,000 starting plus P3,000 allowance. Malaki na para sa akin yun nung time na yun kasi nung nasa EPZA ako basic ko wala pa atang P10,000 tapos patayan pa sa trabaho. I got really excited and told all my friends and relatives na may work na ako yey!

Comments
  1. hana banana says:

    sa tp ka pa rin ba hanggang ngayon??
    hello po🙂
    nag blog walk at napadaan here ^.^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s